Thursday, May 10, 2012

Pambansang Sagisag

 Maraming sagisag ang ating bansa. Alam mo ba ang mga ito?

Narra
 Narra ang ating pambansang puno.Sumasagisag ito sa katatagan ng mga Pilipino.Tulad ka din ba ng narra?
Anahaw
 Nakakita ka na ba ng anahaw? Anong napansin mo dito? di ba malalapad ang dahon nito? Ang anahaw ang sumasagisag sa pagiging malikhain ng mga Pilipino. Malikhain ka rin ba?



       Sampaguita  
 Maputi at mabango ang bulaklak na sampaguita.Ito ay sumasagisag sa busilak na kalooban nating mga Pilipino. Taglay mo din ang ang ugaling ito? 

 
Kalabaw
 Katulong ng mga magsasaka sa bukid ang pambansang hayop na kalabaw.Alam mo bang kumakatawan ang kalabaw sa kasipagan ng mga Pilipino?

      
                  Bahay Kubo 
 Simpleng bahay na sumisimbolo sa simpleng pamumuhay ng mga Pinoy. Kaya mo bang patotohanan na may simpleng pamumuhay ang mga Pinoy? 

 Alam mo ba ang kantang bahay kubo? Sige sabayan natin ito.
 
 
 Heto pa ang "video" na nagpapakita ng  mga pambansang sagisag.  Halina't  kilalanin ang bawat isa.

 

 Ang pagkilala sa mga pambansang sagisag ay pagkilala sa sarili at sa lahing Pilipino.

No comments:

Post a Comment